Sa pamaskong awiting "Noche Buena," isa sa mga putahe na nabanggit na inihahanda ay ang may sabaw na lutuin na "manok na tinola." Sadya nga bang kasama sa mga pinagsasaluhan noon ang tinola o basta na lang inilagay sa liriko dahil magandang pakinggan?
Ang "Noche Buena" song ay nilikha noong 1965 ng mga nationals artists na si Felipe de Leon at Levi Celerio:
Kay sigla ng gabi,
ang lahat ay kay saya;
nagluto ang Áte ng manok na tinola;
Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa!
Tayo na giliw,
magsalo na tayo
mayro'n na tayong
tinapay at keso.
Di ba Noche Buena
sa gabing ito?
At bukas ay araw ng Pasko
Sinasabing ang manok na tinola ang madalas na iniluluto tuwing umaga sa panahon ng kapaskuhan ng mga taga-Bulacan, ang lalawigan na pinagmulan ni Mang Levi. Panoorin ang buong kuwento nito sa "Kapuso Mo, Jessica Soho:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News