Araw o gabi, walang oras na inaaksaya ang mga Rohingya upang lumikas mula sa Myanmar para matakasan ang umano'y pagmamalupit, panghahalay at pamamaslang na ginagawa ng mga sundalo sa kanilang lahi.  Sa loob lang ng nakaraang ilang buwan, mahigit kalahating milyong Rohingya na ang lumikas.

Mula sa Myanmar, nagtutungo sila sa kalapit na bansang Bangladesh kung saan makikita ang pansamantalang kampo na kanilang nagsisilbing kanlungan. Natakasan man nila ang karahasan sa bansa na kanilang pinanggalingan, panibagong pagsubok naman ang kanilang kakaharapin sa kampo kung papaano maghahanap ng makakain at maiinom lalo na para sa mga bata.

Maliban sa miserableng kalagayan ng mga Rohingya, panoorin ang mga taong walang pagod na tumutulong sa kanila, maging ang ilang Pinoy sa Bangladesh na handang magkaloob ng suporta sa isang lahi na nakararanas ng pang-uusig.

Ito ang "I-Witness' report ni Atom Araullo:

Click here to subscribe and watch more GMA Public Affairs videos:


-- FRJ, GMA News