Nangyari na ba sa iyo na nag-withdraw ka ng pera sa ATM pero walang lumabas na pera ngunit nabawasan ang account mo? Alamin ang mga payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas kapag naranasan ang ganitong insidente.
- Una, Isulat ang petsa, oras, ATM location at iba pang impormasyon tungkol sa naging transaksiyon.
- Pangalawa, itago ang resibo o kuhanan ng larawan o ipa-photocopy dahil mayroon mga resibo na madaling mabura ang mga nakasulat.
- Pangatlo, kaagad ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang nangyari. tumawag sa inyong bangko at sabihin ang detalye ng insidente.
- Pang-apat, magsampa ng pormal na reklamo. Kung sakaling hindi kaagad natugunan ang insidente o hindi naibalik ang pera, magpadala ng sulat-reklamo sa bangko, kasama ang mga mahahalagang dokumento katulad ng resibo.
- Pang-lima, iulat sa BSP. Kung hindi aaksyunan ng bangko ang reklamo, ipagbigay-alam ito sa BSP. Isama ang mga detalye at kopya ng mga dokumento. -- FRJ, GMA News