Sa isang pahayag nitong Miyerkules, ipinaliwanag ng asawa ni Isabel Granada na nakaranas ng brain hemorrhage na indikasyon ng aneurysm ang aktres na nakaapekto sa puso nito at pagkaka-comatose. Ano nga ba ang aneurysm at papaano ito maiiwasan?

Noong nakaraang taon, nakaranas at nakaligtas sa aneurysm ang aktor na si Julio Diaz. Dito tinalakay ng programang "Pinoy MD" ang usapin tungkol sa naturang karamdaman na may kaugnayan sa mga ugat sa utak.

Batay umano sa mga pag-aaral, karamihan sa mga nagkakaroon ng  aneurysm ay mga taong nasa edad 35 hanggang 60. Mas mataaas din umano ang tiyansa na ang mga babae ang magkaroon nito kaysa mga lalaki.

Alamin ang mga palatandaan ng aneurysm at ano ang mga dapat gawin upang ito ay maiwasan. Panoorin at balikan ang pagtalakay ng "Pinoy MD" tungkol sa aneurysm.


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News