Dahil may malawak na lugar kung saan naghahalo ang tubig alat at tubig tabang, ipinagmamalaki ng probinsya ng Capiz ang mga giant mud crabs o alimango bilang kanilang "seafood."
Malalaman kung lalaki ang isang alimango kung patatsulok na hugis ang makikita sa ilalim nito.
Kung babae naman, makikita ang isang malapad na "half-moon" na hugis.
Ngunit meron ding baklang alimango. Ito ay kung malapad ang kanyang tatsulok sa ilalim, at meron ding patulis na hugis sa dulo.
Ilan sa mga luto sa alimango na tampok sa Capiz ay crab with honey and garlic, aligi and crab meat rice, at crab hand roll.
Sa latest episode ng Pinas Sarap, tampok ang ritwal at tamang pagkain ng alimango ng mga Capiznon. — Jamil Santos/MDM, GMA News