Isa sa karaniwang idinadaing ng tao ang pananakit ng katawan na kung tawagin ay "lamig." Ano nga ba ang "lamig" sa katawan at totoo nga bang may kinalaman dito ang sobrang pagod na susundan kaagad ng paliligo.

Sa makabuluhang health program na "Pinoy MD," tinalakay ang isyu tungkol sa "lamig" sa katawan.

Paliwanag ni Dr. Elizabeth Ecralin-Manlulu, Rheumatologist, ang tinatawag na "lamig" ay paninigas ng kasu-kasuan o muscle spasm.

Isa raw sa dahilan nito ang biglang paliligo matapos ang matinding aktibidad gaya ng pagba-basketball kung saan tumataas ang temperatura ng katawan.

Alamin ang iba pang posibleng dahilan ng pananakit ng katawan at ano ang mga maaaring gawin para ito mawala.

Panoorin ang ginawang pagtalakay ng "Pinoy MD':

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News