Ipinagdiriwang ng mga Filipino ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12. Ngunit alam ba ninyo na minsan sa kasaysayan ng Pilipinas ay ipinagdiwang ang araw ng kasarinlan ng bansa tuwing Hulyo 4.
Hunyo 12, 1898 nang ideklara sa Kawit, Cavite ng unang Pangulo ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo, ang kalayaan ng bansa. Ngunit hindi ito kinilala ng mananakop na US at Spain, na noon ay nagkasundo na sa ilalim ng Treaty of Paris tungkol sa pamamahala sa Pilipinas.
Sa halip, nagpasya ang US noong 1946 na kilalanin ang kalayaan ng Pilipinas sa petyang Hulyo 4, na kasabay ng kanilang Independence Day.
Ngunit nang tanggihan ng US noong 1962 ang kahilingan ng Pilipinas na bayaran ng danyos ang bansa sa pinsalang inabot sa World War II, nagpasya si Pangulong Diosdado Macapagal na ibalik sa Hunyo 12 ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng Proclamation No. 28, na ipinalabas niya noong May 12, 1962. -- FRJ, GMA News