Isang 14-anyos na babaeng angkas ang nasawi matapos bumangga sa puno ng niyog ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Baggao, Cagayan. Ang rider naman isa ring dalagita, nagtamo ng mga sugat.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing dead on arrival sa ospital ang menor de edad na angkas.
Sinabi ng pulisya na nawalan ng kontrol ang rider sa palikong bahagi ng kalsada.
Mabilis din noon ang takbo ng motorsiklo kaya hindi na nito naiwasan pang bumangga sa puno na nasa gilid ng daan.-- FRJ, GMA Integrated News