QUEZON - Bangkay na nang matagpuan nitong Lunes ang dalawang lalaki na nalunod at nawala sa ilog sa Barangay Manato, Tagkawayan, Quezon noong Sabado ng umaga.
Sakay ng bangka ang anim na magkakasama nang bumangga ito sa mga bakal ng ginagawang tulay.
Dahil sa lakas ng current ng tubig ay lumubog ang bangka at tinangay ang mga sakay nito.
Nakaligtas ang apat na tao kabilang ang bangkero.
Nitong Lunes ng umaga ay natagpuan na ng mga rescuer ang dalawang bangkay makalipas ang dalawang araw ng paghahanap. —KG, GMA Integrated News