Isang wing van ang nahulog sa malalim na bangin sa Pintuyan, Southern Leyte. Ang driver at pahinante nito, sugatan.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing lumabas sa imbestigasyon na nagmula sa bayan ng Saint Bernard ang wing van at papunta sana ng San Ricardo.
Ngunit pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada, nawalan na ng preno ang truck.
Matapos mahulog sa bangin, naipit ang driver nito samantalang sugatan ang pahinante matapos tumalon palabas.
Nagpapagaling ang dalawa sa ospital. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News