Nasawi ang isang babaeng rider, patay matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang poste ng ilaw sa Pinili, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Huwebes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nawalan muna ng kontrol sa motorsiklo ang 24-anyos na biktima bago tumama sa poste.

Nagtamo siya ng matinding sugat sa ulo at iba pa bahagi ng katawan. Isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

May nakitang helmet malapit sa lugar pero matiyak ng pulisya kung suot ito ng biktima nang mangyari ang trahediya.--FRJ, GMA Integrated News