CANDELARIA, Quezon — Dead on the spot ang isang 41-anyos na babaeng negosyante matapos itong malapitang barilin sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon nitong Sabado.
Base sa report ng Candelaria Municipal Police Station, sakay ng motorsiklo ang biktima habang papasok ito sa kanyang trabaho.
Nang huminto raw ang sinasakyan nito ay lumapit ang suspek at pinaputukan ng baril ang babae.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 ang biktima na agad ikinasawi nito.
Agad daw na tumakas ang suspek matapos maisagawa ang pamamaril.
Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Candelaria Municipal Police Station upang matukoy ang motibo at malaman kung sino ang nasa likod ng pagpaslang.
Inaalam din ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo o pagpapautang ng suspek ang dahilan ng krimen.
Pinag-aaralan na rin ang kuha ng CCTV sa lugar. —RF/KG, GMA Integrated News