Isang bangkay na halos mga buto na lang ang nadiskubre sa isang kanal sa Tukuran, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nakita ang bangkay sa Barangay Baclay, na nakagapos ang mga kamay.

May ilan pang buto ng tao ang nakita sa kalapit na parte ng kalsada pero hindi binanggit kung bahagi ba ito ng nakitang bangkay.

Sinabi ng PNP Regional Police Office 9, na isang napadaang residente ang nakakita sa bangkay dahil sa masangsang na amoy nito.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News