Nawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Mountain Province dahil sa nakuryenteng paniki, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Nawalan ng kuryente ang mga bayan ng Barlig, Paracelis at Natonin dahil sa nasirang insulator na tinamaan ng nakuryenteng paniki.

Naibalik din ang kuryente matapos ang ilang oras ng pagsasaayos ng Mountain Province Electric Cooperative. —KBK, GMA Integrated News