Patay ang isang mag-live-in partner na mangangalakal matapos silang pagbabarilin habang sakay ng kanilang tricycle sa Sariaya, Quezon.

Sa ulat ng GMA Regional TV, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang mga biktima nang biglang mag-overtake ang isang sasakyan bago sila pinaulanan ng bala.

Patuloy ang pag-iimbestiga sa motibo sa krimen, at tinutugis na ang tumakas na salarin. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News