May kakaibang "bisita" na nakitang lumalangoy sa karagatan ng Boracay nitong Huwebes ng umaga-- isang buwaya.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes ng gabi, sinabing nakitang lumalangoy sa malakas na alon ang buwaya na malapit sa Sinagpa beach.

Hinihinala na naligaw ang naturang buwaya na isang uring salt water crocodile.

Nitong hapon ng Huwebes, nahuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang naturang buwaya.

Dadalhin ang buwaya sa shelter area ng Department of Environment and Natural Resources sa bayan ng Malay. --FRJ, GMA Integrated News