Anim ang patay, kabilang ang isang menor de edad, nang araruhin ng isang truck ang pitong bahay sa gilid ng kalsada sa Calbayog City, Samar.

Sa ulat ni Fe Marie Dumaboc ng GMA Regional TV Balitang Bisdak sa GMA News "Saksi" nitong Miyerkules, makikita na tulong-tulong ang mga rescuer para masagip ang mga biktima.

Anim ang nasawi, kabilang ang dalawang senior citizen at isang menor de edad. Isa naman ang patuloy na inoobserbahan sa ospital.

Sinabi ng driver ng truck sa pulisya na nawalan ng preno ang kaniyang sasakyan.

Nakadetine ang driver na mahaharap sa patong-patong na reklamo. — FRJ, GMA Integrated News