Muling nalambat ang isang nakawalang karpang may bigat na aabot sa 25 kilos sa Bokod, Benguet.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing dati nang nakakulong ang silver carp sa isang floating fish cage sa Ambuklao Dam.

Naibenta ang karpa sa halagang P110 kada kilo. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News