Isang batang lalaking naglalaro malapit sa Bicol River sa Camaligan, Camarines Sur ang nalunod nitong nakaraang linggo.

Sa kuha ng CCTV noong Huwebes, nakita ang bata na naglalakad sa riprap. Nadulas siya at nahulog sa ilog, ayon sa Unang Balita nitong Martes, base sa impormasyong nakalap ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia.

Ayon sa  mga awtoridad, noong Biyernes na sila nakapagsawaga ng search at retrieval operation dahil late na nai-report sa kanila ang insidente.

Natagpuan ang bangkay ng biktima isang kilometro mula sa lugar kung saan siya nahulog.

Sinisikap pa ng GMA Integrated News na kuhanin ang pahayag ng pamilya. —KG, GMA Integrated News