Dead on the spot ang isang construction worker sa Lucena City matapos itong barilin sa harapan ng isang construction site sa Quezon Avenue, Barangay 4 Sabado ng umaga. 

Base sa report ng Lucena City Police Station, nakatayo ang biktimang si Reymark Molina, 18-anyos nang lapitan ito ng suspek at barilin ng malapitan sa ulo gamit ang kalibre .45 pistol.

Kaagad raw na umalis at naglakad papalayo ang suspek matapos maisagawa ang krimen. 

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ng Lucena City Police upang matukoy ang dahilan ng pagpatay.

Kinilala ng PNP ang suspek na si alyas Jabber ng Marketview, Lucena City. —VAL, GMA Integrated News