Nakabingwit ng malalaking isda sa Marusay River ang ilang residente ng Calasiao, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita ang pagkukumpulan ng mga residente sa isang tulay.

Maliban sa mga tilapia, nahuli rin ang mga isdang mayroong higit 15 kilo ang timbang at mahigit tatlong talampakan ang laki.

Kadalasang lumalabas ang mga malalaking isda tuwing high tide at kapag mataas ang salinity level ng ilog. â€”Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News