Sugatan ang isang madreng 75-taong-gulang matapos pagbabarilin sa kaniyang dormitoryo sa Kawayan, Biliran, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules.

Batay sa imbestigasyon, may lalaking kumatok at naghanap sa madre. Nang lumapit sa pinto ang madre ay doon na siya binaril.

Agad namang tumakas ang salarin na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa biktima. —KBK, GMA Integrated News