Duguan at patay na nang matagpuan sa gilid ng kalsada ang isang dating guro sa bayan ng Kananga, Leyte.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Lunes, sinabing nakagapos din ang 42-anyos na biktima nang matagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Libongao.

Noong Pebrero, inaresto umano ang biktima at isa niyang kasamahan matapos na mahulihan ng shabu.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.-- FRJ, GMA Integrated News