TIAONG, Quezon - Sa kauna-unahang pagkakataon ay itinampok sa Grand Procession nitong Biyernes Santo sa bayan ng Tiaong, Quezon ang mga antigong imahe na pag-aari ng mga prominenteng pamilya ng Tiaong.

Ang mga imahe ay yari sa ivory na makikita lamang sa museum sa loob ng sikat na pasyalan na Villa Escudero.

Nakamamangha ang laki at ganda ng mga imahe lalo na ang Santo Entierro na nakalagay sa isang magarang kahon na yari sa salamin.

Maraming tao ang sumama sa prusisyon.

Natapos ang Grand Procession sa isang programa sa labas ng St. John the Baptist Parish Church.

Samantala, sa Quiapo Church sa Maynila ay nagkaroon din ng prusisyon nitong Biyernes Santo. Maraming deboto ang sumali sa prusisyon ng Santo Entierro. —KG, GMA Integrated News