Nabisto sa buy-bust operation sa Sorsogon ang hinihinalang shabu na nakasilid sa mga bag ng tsaa.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, nasa dalawang kilo ang umano'y droga na may estimated price na mahigit P12 million.

Ang mga Chinese tea bags, vacuum-sealed at nakabalot pa sa isang parcel.

Nasamsam ang mga ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang high-value target na biyahero sa Matnog Port.

Wala pang pahayag ang mga suspek. — BM, GMA Integrated News