Tatlo ang nasawi, kabilang ang dalawang babae, nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Irosin, Sorsogon. Ang isang motorsiklo, tatlong babae ang nakasakay.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente nitong Lunes ng madaling araw sa Barangay San Pedro

Ayon sa pulisya, babae ang rider ng isang motorsiklo, na may angkas na dalawa pang babae.

Pauwi na umano ang tatlong babae na pawang nakainom umano nang makasalpukan nila ang motorsiklo na minamaneho ng 21-anyos na lalaking rider.

Nasawi sa banggaan ang dalawang rider, at ang isang babaeng angkas.

"Kapag naka-inom tayo, unang-una dapat 'di magmaneho. 'Pag nagmamaneho tayo siguraduhin natin na protected tayo, di ba [dapat] nakasuot tayo ng helmet, nakasuot ng mga protective gear," paalala ni Police Major Voltaire Jun Pedido, hepe ng Irosin police station.-- FRJ, GMA Integrated News