Dinarayo ng mga turista ang Adventure Resort sa Tigbe, Norzagaray, Bulacan.

Makikita kasi rito ang mga replica ng ilan sa sikat na tourist destinations gaya ng Eiffel Tower, Louvre Pyramid, Merlion, Statue of Liberty, Golden Gate Bridge, at The Great Sphinx of Giza.

 

 

Ngayong Sabado umabot daw ng mahigit 100 ang pumunta rito mula sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan at Metro Manila.

 

 

Bukod sa mga replica ng tourist spots, mayroon din silang swimming pool with slide, playground, at obstacle course.

Tuwing Holy Week daw pinakamarami ang mga tao rito na umaabot sa higit 400.

Nasa P100-P200 ang entrance fee kada tao para sa day tour. — Darlene Cay/VBL, GMA Integrated News