Isang naagnas na bangkay ng babae ang nakita sa loob ng sako na nasa gilid ng kanal sa Tagum City nitong Huwebes. Ang suspek sa krimen, ang kaniyang live-in partner.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, kinilala ang biktima na Jenelyn Zamora, 53-anyos, residente ng RTU, Apokon.

BASAHIN: Babae na natagpuang patay sa gilid ng kanal sa Binangonan, live-in partner umano ang pumaslang

Sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima noong February 10, na nakikipagtalo sa kaniyang kinakasama na si Winny Baylon, 48.

Itinanggi umano ni Baylon noong una na may kinalaman siya sa nangyari sa biktima pero kinalaunan ay umamin sa krimen habang iniimbestigahan, ayon kay Tagum City Police Station Chief, Lt. Col. Jeffrey Latayada.

Kasong murder ang kakaharapin ng suspek.-- FRJ, GMA Integrated News