Dalawang batang Visayan leopard cats, o “maral” ang sinagip ng mga Talisay City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa isang sugarcane plantation sa Barangay Matab-ang sa Talisay City, Negros Occidental.
Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkuler, sinabing ang mga trabahador sa taniman ng tubo ang nag-report sa mga awtoridad tungkol sa nakita nilang pambihirang pusa na tanging makikita lang sa Negros, Cebu, at Panay.
Nasa pangangalaga ng Talisay City DRRMO ang dalawang hayop habang sinusuri ang kanilang kalusugan bago sila dalhin sa Wildlife Conservation Area sa lungsod.
Ipinaalala ng lokal na pamahalaan na may Republic Act 9147 o the Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na nagbibigay proteksyon sa mga wild animal na hindi dapat hulihin, ibenta o patayin. -- FRJ, GMA Integrated News