Patay ang isang lalaki matapos barilin ng nakainuman niya sa Bangued, Abra.

Nakilala ang biktima na si Bryan Tebia, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nakipag-inuman daw ang biktima kasama ang mga kapwa technician sa trabaho, kabilang ang suspek na kinilalang si Alejandro Castillo.

Nagkapikunan daw ang biktima at ang suspek at bigla na lang binaril ng suspek ang biktima.

Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Ang pinsan naman niya na menor de edad ay sugatan matapos tamaan ng bala.

Agad tumakas ang suspek.

Nanawagan ang pamilya ng biktima sa suspek na sumuko na siya. —KG, GMA Integrated News