Isang mag-asawa ang naglakad mula Batangas hanggang sa Ilocos Norte na bahagi ng kanilang target na maglakbay ng 5,000 kilometers.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Saksi, sinabing inumpisahan nina Mira at Jay Abrera ang paglalakad noong Disyembre 6, tulak-tulak ang kanilang kariton kung saan nakalagay ang kanilang mga damit, gamit at pagkain.

Nagpapahinga rin ang mag-asawa sa gabi at nagsisimba tuwing Linggo.

Ayon sa mag-asawa, gusto nilang ipakita na gawin na ang goal o layunin sa buhay at huwag nang ipagpaliban.

Goal ng mag-asawa na maglakad ng 5,000 kilometro, at tuloy din ang kanilang paglalakbay papunta sa Cagayan. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News