Isang babae ang nanganak sa gilid ng kalsada sa Magpet, Cotabato ayon sa isang ulat mula sa 24 Oras Weekend noong Linggo.

Nakasakay na daw ng motorsiklo ang buntis papunta sa ospital ng abutan siya ng panganganak sa gilid ng highway.

Sa tulong ng iba pang mga motorista at mga residente sa lugar, maayos na nagsilang ng sanggol ang babae.

Agad tinugunan ng Magpet Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at dinala sa ospital ang mag-ina, na maayos na raw ang kondisyon sa ngayon. —Jiselle Anne Casucian/RF, GMA Integrated News