Dinala sa ospital ang driver ng isang pickup truck dahil sa tinamong mga sugat matapos siyang paghahampasin ng baseball bat ng rider na nakaalitan niya sa kalsada ng Iloilo.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente sa gitna ng traffic sa Diversion Road sa Mandurriao, IloIlo.
 
Nahuli-cam ang rider na nakasuot ng helmet na binuksan ang pinto ng driver at ilang beses niya itong hinataw ng hawak niyang pamalo.

Dinala sa ospital ang driver habang tumakas ang rider na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Hindi nabanggit sa ulat kung ano ang ugat ng away ng dalawa. —FRJ, GMA Integrated News