Arestado ang isang 45-anyos na lalaki matapos umanong pagamitin ng ilegal na droga at gahasain ang isang 16-anyos na babae sa Urbiztondo, Pangasinan. Ang suspek, itinanggi naman ang paratang.

Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, lumabas sa imbestigasyon ng pulis na nagbabantay sa plaza ang suspek nang makita nito na naglalakad na mag-isa ang biktima.

Inalok umano ng suspek ang biktima na ihahatid na pauwi dahil magkakilala naman daw ang kanilang pamilya.

Sumama naman ang biktima pero sa halip na ihatid sa bahay, dinala umano ang dalagita sa isang lugar na walang tao, tinutukan ng baril, sapilitang pinagamit ng ilegal na droga, at nang mabangag ay ginahasa na.

Madaling araw na nang may makakita sa biktima na naglalakad sa kalsada na tila wala sa sarili.
N

ang mahimasmasan na ang biktima, ikinuwento na niya ang nangyari kaya naaresto ang suspek.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang na nahaharap sa patong-patong na reklamo. --FRJ, GMA Integrated News