Nasawi ang isang senior citizen habang sugatan ang 26 na iba pa matapos mahulog ang isang jeepney sa isang hukay sa gilid ng highway sa San Francisco, Quezon nitong Martes.

Ayon sa report ng San Francisco Municipal Police Station, patungo sana sa Sariaya ang jeepney nang mawalan ito ng preno dakong 3:30 ng hapon nitong Martes sa bulubunduking bahagi ng highway sa Barangay Butanguiad.

Tumilapon daw mula sa jeepney ang ilan sa mga biktima bago pa mahulog sa hukay ang sasakyan.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatan.

Magtutungo raw sana ang mga pasahero sa isang lamay ng namatay na kaanak.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya. — Peewee Bacuño/ VDV, GMA Integrated News