Isang rider ang nasawi, habang kritikal ang isa pa, matapos na magsalpukan ang minamaneho nilang motorsiklo sa Concepcion, Tarlac.

Sa ulat ni Joan Ponsoy sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan ang dalawang rider.

Ayon sa awtoridad, madilim ang lugar na pinangyarihan ng aksidente sa Barangay Santa Maria.

Pareho umanong mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo.

"Base sa CCTV kasi mabilis yung parehas na motorcycle tapos yung isang motorcycle, walang ilaw at helmet (ang rider)," ayon kay Chester Cunanan, operation officer, Concepcion, DRRMO.

Kaya naman pinapayuhan nila ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho lalo na ngayong holiday season.-- FRJ, GMA Integrated News