Isang batang pitong-taong-gulang ang nasawi matapos mabulunan sa kinain niyang gummy candy sa Antique.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa bayan ng San Remigio sa  Antique.

Ayon sa kaanak ng biktima, ang bata mismo ang mismo ang bumili ng naturang candy.

Isinugod siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Tumanggi na ang kaniyang mga magulang na magbigay ng pahayag, ayon pa sa ulat. --FRJ, GMA Integrated News