Pinagnakawan at pinatay sa loob ng kaniyang bahay ang isang babae sa Baguio City.

Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Biyernes, sinabing natagpuan ang biktimang si Kamille David-Biscocho sa kaniyang bahay na wala nang buhay.

Ayon sa pulisya, lumilitaw na sinakal ng salarin ang biktima gamit ang sintas ng sapatos.

Sa imbestigasyon, wala sa bahay ang mister ni David-Biscocho nang mangyari ang krimen at umalis din ang kanilang kasambahay,

Tanging ang anak nito na dalawang taong gulang ang kasama ng biktima sa bahay.

Ligtas naman ang bata, ayon sa ulat.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga salarin. --FRJ, GMA Integrated News