Nadakip ang tatlong drug suspek, kabilang ang isang kagawad at isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology sa isinagawang buy-bust operation sa Mahayag, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing isinagawa ang operasyon sa Purok 2, Barangay Salug Daku, kung saan target din ang isang negosyante na nagpapatakbo umano ng drug den.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Walang ibinigay na pahayag ang mga naaresto.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News