Patay ang isang babae sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Riza Villanueva, 45-anyos, isang trabahador sa nasabing pabrika ng paputok.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, gumagawa ng kuwitis si Villanueva nang aksidente itong sumabog.

Nagtamo ang biktima ng sunog sa malaking bahagi ng katawan at naputol ang kaliwang binti.

Naitakbo pa si Villanueva sa ospital kung saan pumanaw din siya kalaunan. —KBK, GMA Integrated News