Natagpuan ang dalawang sako na naglalaman ng mga putol-putol na parte ng katawan ng tao sa dalawang magkaibang lugar sa Iloilo City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas sa Unang Balita nitong Martes, sinabing natagpuan sa La Paz ang dalawang putol na braso ng tao.

Ayon sa isang residente, may nakita siyang humintong puting van sa lugar bago niya nakita ang sako. Gayunman, hindi niya naplakahan ang sasakyan.

Makalipas ang isang oras, isa namang sako na may putol-putol na katawan ng isang lalaki ang natagpuan sa gilid ng floodway sa Buhang, Jaro.

Mayroon itong saksak sa dibdib at tiyan.

Patuloy na inaalam ng kapulisan kung may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen matapos may matagpuang mensahe at tatlong sachet ng shabu malapit sa isang sako.

Posibleng magkakonekta ang dalawang sako ng mga pira-pirasong katawan, ayon sa mga awtoridad. â€”Jamil Santos/KG, GMA Integrated News