Arestado ang 17 lalake na Chinese nationals na sangkot umano sa cyber sex operations sa isang compound sa Brgy. Balantang sa Jaro, Iloilo City kaninang madaling araw.

Ayon sa report ni Sevein Hope Gegantoca sa Super Radyo dzBB netong Sabado, naghain ng search warrant ang pulisya kung saan narekober ang 24 na computers 49 na cellphones at sim cards sa compound. 

Sinabi ni Lt. Col. Antonio Benitez ang head ng Intelligence Unit ng Iloilo City Police Office(ICPO) na anim na buwan ng nasa lungsod ang mga Chinese nationals at ginagawa ang naturang ilegal na aktibidad.

Ayon kay Benitez mayroong recorded video ng mga babae at lalakeng nakahubad sa mga computer.

Hindi na pumalag ang mga eto ng pinasok ng pulisya ang lugar.

Sa ngayon isasailalim muna sa medical examination ang mga Chinese nationals.  —VAL, GMA Integrated News