Nasawi ang isang tricycle driver matapos siyang barilin ng kapwa niya tricycle driver na nakatalo niya sa ipinatupad na parking procedure sa kanilang terminal sa Bago City, Negros Occidental.

Sa ulat ng “Balita Ko” nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na nakahinto at naghihintay ng pasahero ang biktima nang lapitan siya ng salarin, at sila’y nagtalo.

Ilang saglit lang, bumunot na ng baril ang suspek at binaril sa dibdib ang biktima.

Dead on arrival ang biktima sa ospital, habang tinutugis pa ang suspek.  —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News