Patay ang isang barangay tanod sa Tabango, Leyte matapos siyang barilin habang nanonood ng volleyball game.

Nakilala ang biktima na si Arnel Noynay, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Lunes.

Nangyari ang insidente sa Barangay Tabing.

Ayon sa mga pulis, patay na ang biktima nang dumating sila.

Tumakas daw agad ang salarin matapos ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —KG, GMA Integrated News