Natagpuan ang isang sanggol na inabandona at isinilid sa malaking eco bag sa bakuran ng isang bahay sa Pidigan, Abra.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, isinalaysay ng isang ginang na nakarinig sila ng iyak ng kaniyang mister matapos silang lumabas ng bahay sa Barangay Poblacion West.

Doon na nila nakita ang sanggol sa katapat na bahay na walang nakatira.

Nakasuot ng t-shirt at pajamas ang sanggol, at iniulat nila ito sa pulisya.

Patuloy na inaalam kung may kinalaman ang nakitang dalawang babae sa lugar bago ang pag-iyak ng sanggol.

Sinabi ng rural health unit na nasa pangangalaga na ng DSWD Cordillera ang sanggol kaya posibleng ilang araw pa lamang ito mula nang ipanganak — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News