Isinugod sa ospital ang isang babae matapos siyang sakmalin ng isang buwaya sa Rizal, Palawan.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Miyerkoles, sinabi ng Rizal-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na nangunguha ng isang uri ng shell ang biktima sa Barangay Canipaan.

Nagpasya ang babae na maglinis ng katawan sa ilog at doon na nangyari ang pag-atake sa kaniya ng buwaya.

Naiwan pa umano na nakabaon sa sugat ng babae ang isang ngipin ng buwaya.

Maayos na ang kalagayan ng babae, ayon sa ulat.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na may nangyaring pag-atake ng buwaya sa tao sa lugar na ikinasawi ang ibang biktima. --FRJ, GMA Integrated News