Nasawi ang isang 65-anyos na magsasaka matapos siyang suwagin at makaladkad pa ng kaniyang alagang kalabaw sa Virac, Catanduanes.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng mga saksi na inaayos ng biktimang si Henry Cielo ang nabaling pamatok ng kalabaw nang bigla siyang suwagin ng hayop at nakaladkad pa ng 10 metro.

Dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News