Nakatitipid sa gastusin ang ilang residente sa Angeles, Pampanga dahil sa halip na pera, mga basurang plastic ang kanilang ipinampapalit para makakuha ng bigas.
Sa kuwentong Dapat Alam Mo! ni JM Encinas, sinabing ang isang kilong plastic na kakokolekta ng mga residente ay katumbas ng isang kilong bigas.
Pinilahan din sa Barangay Ninoy Aquino ang “Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas” project ng lokal na pamahalaan.
Layon ng lokal na pamahalaan na ayusin ang pagpapatupad ng plastic waste segregation at pagtuturo sa mga Angeleño ng pagre-recycle.
Napapanahon naman ang programa sa gitna ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Ayon kay Engr. Donato Dizon ng PESO, mayroon silang kasunduan sa isang cement factory kung saan papalitan ng mga semento ang mga naipong plastic.
Bukod dito, inire-recycle rin ang mga plastic at ginagawang paper na inilalagay sa mga parke.-- FRJ, GMA Integrated News
Nakolektang basurang plastic, bigas ang kapalit sa Pampanga
Setyembre 22, 2023 8:18pm GMT+08:00