Isang mangingisda sa Bolinao, Pangasinan ang sugatan matapos atakihin umano ng pating, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Malaking sugat sa kaliwang hita ang tinamo ng mangingisda matapos sakmalin ng pating habang nasa laot.

Ginamot ang mangingisda ng mga rescuer mula sa Bolinao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bago dinala sa ospital.

Pinag-iingat naman ng otoridad ang mga mangingisda at publiko para maiwasan ang katulad na aksidente. —KBK, GMA Integrated News