Patay ang isang bata sa Del Gallego, Camarines Sur matapos makalunok umano ng bunga ng rambutan.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, hindi raw alam ng ina ng dalawang-taong-gulang na biktima kung saan nito nakuha ang rambutan.

Nagulat at nagkagulo na lang daw sila nang hindi na makahinga ang bata.

Naisugod pa ang bata sa ospital, na malayo raw sa kanilang lugar, pero dead on arrival na ang biktima. — BM, GMA Integrated News